Rookie cop naagawan ng baril

Isang bagitong pulis ang dinis-armahan ng hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) kahapon ng umaga kasabay ng pagdaraos ng kanilang ika-34 taong anibersaryo sa Quezon City.

Walang nagawa ang biktimang si PO1 Victor Vinas, residente ng A-Luna St.,Proj. 4, QC at nakatagala sa Marikina Police Station kundi ibigay ang kanyang service firearm nang bigla na lamang siyang tutukan ng baril ng tatlong armadong lalaki sakay ng isang pulang Honda Civic na may plakang UGX-181.

Ayon sa pulis, kalalabas lamang umano niya sa kanilang tahanan upang pumasok sa trabaho nang bigla na lamang huminto ang nasabing sasakyan at mabilis na bumaba ang tatlong suspect at tinutukan ito ng baril.

Agad na kinuha ang baril ng di nakapalag ang pulis at mabilis na tumakas ang mga suspect sa hindi nabatid na direksyon. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments