2 kotse nagsalpukan: 1 patay, 1 kritikal
March 30, 2003 | 12:00am
Isang lalaki ang nasawi habang nasa malubhang kalagayan ang isa pa matapos na magbanggaan ang kanilang mga sinasakyang kotse kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Hindi na umabot nang buhay sa Quezon City Medical Center ang biktimang si Christopher Tequia, 18, ng #30 Richmond Village, Cainta, Rizal dahil sa matinding pagkabagok ng kanyang ulo at sugat sa katawan.
Nilalapatan naman ng lunas sa Camp Aguinaldo Medical Center ang isa pang biktima na si Jack Figueroa, 24 ng #9 Queenville White Planes, Quezon City.
Sa report ng Central Police District-Traffic Sector 3, dakong alas-3:25 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Greenmeadows Avenue.
Lulan umano si Tequia ng Mitsubishi Lancer na may plakang UDP-880 habang sakay sa isang Toyota Corolla (UDU-413) si Figueroa at magkasalising tinatahak ang direksyon ng kalsada.
Bigla na lamang umanong lumagpas sa hating linya ang isang biktima dahilan upang umiwas ang isa subalit minalas na magsalpukan ang kanilang mga sinasakyan.
Dahil sa lakas ng impact, matindi ang pagkakasira ng dalawang sasakyan sanhi ng pagkasawi ni Tequia at matinding pagkasugat ni Figueroa. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended