3 drug trafficker timbog sa PDEA
March 30, 2003 | 12:00am
Tatlong hinihinalang big time drug trafficker ang nasakote ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagresulta ng pagkakasamsam sa 302.79 gramo ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Pasay City kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni PDEA Dir. Gen. Anselmo Avenido, Jr. ang mga suspect na sina Yvone Pialan, 34, may-asawa; Soledad Pialan, 54, may-asawa, pawang tubong Guihulngan, Negros Oriental at Jane Pialan, 27, tubong Kulambongan, Lanao del Norte.
Sa report, ang mga magkakamag-anak na suspect ay nasakote bandang alas-9:15 ng gabi sa #1696 Tramo St., Brgy. 43, nasabing lungsod.
Nabatid na agad na naglatag ng dragnet operation ang mga elemento ng PDEA sa pamumuno ni P/Sr. Insp. Josefino Ligan matapos na makarating sa kanilang tanggapan ang illegal na operasyon umano ng mga suspect.
Nakumpiska sa mga ito ang naturang bigat ng illegal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng P605,500.
Inihahanda na ng awtoridad ang pagsasampa sa mga suspect ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended