" Ang susuportahan ko ay isang competent, experienced at credible, para siya humalili sa akin", pahayag pa ni Mayor Tsong.
Magugunitang ito na ang final term ni Marquez bilang city mayor na nagpahayag na rin sa kanyang planong tumakbong congressman sa susunod na taon.
Nagpahayag naman ang aktres na si Alma Moreno nang pagnanais na punan nito ang mababakanteng puwesto.
Gayunman, binanggit ni Marquez na kahit noong nagsasama pa sila ni Moreno ay dinis-couraged na niya ito na pumasok sa pulitika.
"Kailangan may alam siya si citys economic activities at peace and order", pagtatapos pa ni Marquez. (Ulat ni Nikole Dizon)