^

Metro

Trader patay sa holdap

-
Napaslang ang isang Chinese trader habang sugatan naman ang kapatid nito makaraang holdapin ng tatlong suspects, kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Nasawi noon din sa pinangyarihan ng krimen ang biktimang si Harvey Uy Tan, 23, dalaga, ng 1709 Blumentritt St., Sta Cruz, Maynila, habang patuloy namang inoobserbahan sa Chinese General Hospital ang kapatid nitong si Dennis Uy Tan, 19.

Isa pa lamang sa mga suspect ang naaresto, ito ay nakilalang si Jonrel Gentiles, 17. Tinutugis pa ang mga kasamahan nito na sina Juanito Medese, 25 at Edilberto Aquino, 18, kapwa residente ng Tandang Sora sa Quezon City.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente sa harap ng Golden Venus Bakery na pag-aari ng mga biktima sa Blumentritt St. sa nabanggit na lugar.

Katatapos pa lamang umanong isara ng magkapatid ang kanilang bakery at papasakay na sa kanilang sasakyan na nakaparada sa harap ng tindahan nang bigla na lamang dumating ang tatlong suspect na armado ng .38 kalibre ng baril at saka nagdeklara ng holdap.

Subalit ilang sandali pa ay pinagbabaril na ng mga suspect ang sasakyan ng magkapatid at napuruhan si Harvey.

Mabilis na kinuha ng mga suspect ang clutch bag ng biktima na naglalaman ng pera, alahas at cellphone at saka mabilis na nagsitakas.

Gayunman, nakorner ng mga barangay tanod ang suspect na si Gentiles, habang ang dalawa nitong kasamahan ay tuluyan ng nakatakas. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

BLUMENTRITT ST.

CHINESE GENERAL HOSPITAL

CRUZ

EDILBERTO AQUINO

GOLDEN VENUS BAKERY

HARVEY UY TAN

JONREL GENTILES

JUANITO MEDESE

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with