1 pang pedicab driver, timbog sa rape-slay ng paslit
March 28, 2003 | 12:00am
Isa pang pinaghihinalaang suspect sa karumal-dumal na rape-slay sa isang 7-anyos na batang babae ang nadakip ng Mandaluyong City Police sa isinagawang follow-up operations sa lungsod, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni Mandaluyong City Police chief, Senior Supt. Sukarno Ikbala ang dinakip na si Leonardo Balala, 53, pedicab driver ng Barangay Hulo, Mandaluyong City.
Si Balala ay itinuro ng ilang testigo na nakita umanong palaging nagsasakay sa batang biktima na si Nina Gwenzei Severino, 7, ng Barangay Hulo sa minamaneho nitong pedicab.
Dinakip si Balala pasado alas-12:30 ng madaling-araw habang gumagala sa lugar malapit sa pinangyarihan ng krimen.
Nauna nang naaresto kamakalawa ng hapon sa isinagawang serye ng operasyon ang apat ding pedicab drivers na pinaghihinalaang may kinalaman sa krimen, ito ay sina Meriano Pedroza, 26; Danny Gonzales, 26; Daniel Muñoz, 43 at Tony Draga. Binanggit pa sa ulat ng pulisya na ang mga nabanggit ay kilalang adik sa naturang lugar.
Si Pedroza ay nakitaan ng pinong kalmot sa likurang bahagi ng katawan.
Magugunitang kamakalawa ng umaga ng makita ang bangkay ng biktima sa isang estero. Nagtamo ito ng malalim na sugat sa mukha at maging sa ari, bukod pa ang maraming pasa sa katawan.
Napag-alaman pa na isasailalim sa DNA test ang limang suspect para tiyakin ang pagkakasangkot nila sa karumal-dumal na panghahalay at pagpaslang sa paslit. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am