2 anak tinubo ng ama, bago nagbigti
March 28, 2003 | 12:00am
Bunga ng sobrang pagkalango sa droga at desperado matapos iwan ng kanyang asawa, nagawa ng isang ama na paghahatawin ng tubo ang kanyang dalawang anak, isa dito ay namatay at pagkatapos ay winakasan na din niya ang kanyang buhay sa pamamagitan nang pagbibigti kahapon ng umaga sa Sta. Cruz, Maynila.
Nakilala ang amang pumaslang sa kanyang anak na si Cesar Nery, 43, na nagbigti rin matapos ang isinagawang krimen.
Samantala, nasawi ang anak nitong si Raymund, 11, habang si Robert, 12 ay nasa kritikal pang kondisyon matapos na magtamo ng malalalim na sugat sa katawan.
Nabatid mula sa imbestigasyon ni SPO2 Diomedes Labarda, may hawak ng kaso na dakong alas-5:30 ng umaga nang dumating ang amang suspect sa kanilang bahay. Armado na ito ng tubo at lango sa droga.
Tinungo nito ang kinaroroonan ng kanyang dalawang anak na noon ay kapwa natutulog at walang sabi-sabing pinaghahampas ng tubo ang mga ito.
Ilang sandali pa ay sumaklolo na sa mga bata ang ilan nilang mga kamag-anak na nagsugod sa kanila sa pagamutan.
Hindi na umabot nang buhay sa ospital si Raymund, habang nakikipagbuno pa sa kamatayan si Robert.
Sa pagbalik nila sa bahay ay doon naman nila natuklasan ang ginawang pagpapakamatay ng suspect.
Ayon sa salaysay ng mga kaanak ni Cesar, matagal na umano itong lulong sa droga at halos kauuwi lamang nito sa Maynila matapos ang may ilang buwang pamamalagi sa Trece Martires, Cavite.(Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended