^

Metro

2 gumagawa ng pampasabog dinakma

-
Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Navotas Police at Bantay Dagat ang dalawa katao na pinaniniwalaang utak sa paggawa ng mga improvised explosives na dinamita kung saan nakumpiska sa mga ito ang 14 na bote ng naturang pampasabog sa isinagawang raid sa nabanggit na bayan.

Kinilala ni Navotas Police chief, Supt. Billy Beltran ang mga suspect na sina Mening Llano, 32 at Floro de Luna, 49, ng Bagong Silang San Jose, Navotas.

Ayon sa pulisya, matagal na umano nilang minamanmanan ang kilos ng mga suspect kung saan ay naaktuhan nila ang mga ito dakong alas-6 kamakalawa ng gabi sa laot ng Sitio Intermedia, Pulong Gasang sa karagatan ng Navotas.

Dagdag pa ni Beltran na ang naturang mga pampasabog na pawang may nakalagay na blasting caps ay gawa mula sa kemikal na ammonium nitrate at karaniwang ginagamit sa ilegal na pangingisda subalit lubhang napakadelikado umano nito dahil na rin sa ito ang kemikal na ginagamit ng mga terorista sa paggawa ng bomba.

Binanggit pa ni Beltran na kapag pinagsamang pinasabog ang 14 na bote ng naturang mga eksplosibo ay kaya nitong gibain ang isang mall o medium size na gusali. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

BAGONG SILANG SAN JOSE

BANTAY DAGAT

BELTRAN

BILLY BELTRAN

MENING LLANO

NAVOTAS

NAVOTAS POLICE

PULONG GASANG

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with