Labi ng Pinay DH na namatay sa SARS, iuuwi na
March 26, 2003 | 12:00am
Kasalukuyang isinasailalim sa masusing awtopsiya ang bangkay ng Pinay domestic helper sa Hong Kong na sinasabing namatay sa Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) o killer pneumonia bago iuwi ito sa Pilipinas.
Sa panayam kay Labor Secretary Patricia Sto. Tomas, sinabi nitong bagamat mayroon sintomas si Adela Dalingay, 39, tubong Abra ng SARS kailangan makumpirma ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay batay na rin sa ilalabas na resulta ng awtopisya.
Ayon kay Sto. Tomas, mayroong kasamang tatlong dayuhang manggagawa si Dalingay sa kanyang pinagtatrabahuhan ngunit ang mga ito ay hindi nahawahan .
Gayunman, iginiit ni Sto. Tomas na malala na si Dalingay sa kanyang sakit bago pa man ito maisugod sa Queen Elizabeth Hospital na doon nga nakitaan ng sintomas ng SARS.
Anumang araw oras mula ngayon ay maaaring maiuwi na ang labi ni Dalingay sa bansa.
Sinabi ni Sto. Tomas na kung positibo sa sakit na SARS si Dalingay ay hindi nila papayagang buksan pa ang kanyang kabaong para hindi na kumalat ang virus na tumama dito.
Samantala, iniutos naman ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na pagkalooban ng lahat na kailangang tulong ang yumaong si Dalingay.
Kaugnay nito, inatasan ng Pangulo ang DOLE na alamin kung anong tulong ang maipagkakaloob sa pamilya ni Dalingay. (Ulat nina Jhay Mejias, Ellen Fernando at Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended