Nabatid pa sa tinanggap na ulat na ang sakit ni Dalingay ay lumala at nakaramdam ito ng paghihirap sa paghinga matapos siyang ma-confine sa pagamutan noong Marso 19.
Ang labi ng naturang DH ay nananatili sa morgue ng ospital habang hinihintay ang release order buhat sa infectious control unit ng pagamutan, gayundin ang mga papeles para maiuwi ito sa bansa.
Ayon kay Sto. Tomas si Dalingay ang pangalawang Pinay DH na naapektuhan ng SARS sa Hong Kong. Ang una ay si Merita Luzon na ngayon naman ay nasa maayos ng kalagayan.
Bukod dito, napag-alaman pa na may apat pang Filipino nurses sa Singapore ang nahawahan na rin ng killer pneumonia. Umaabot na sa 11 ang mga OFWs na nagtataglay ng naturang sakit.
Binanggit pa nito na ang apat pang mga bagong kaso ng SARS sa Singapore ay pawang mga nagtatrabaho sa Tan Tock Seng Hospital. Sumasailalim na ang mga ito sa masusing paggagamot.(Ulat nina Jhay Mejias at Ellen Fernando)