^

Metro

Lalaki tugis sa paghahagis ng bag na may kemikal substance

-
Pinaghahanap ng pulisya ang isang lalaki na sinasabing naghagis ng isang plastic bag na naglalaman ng chemical substance na nagsanhi nang pagkahilo at paghirap sa paghinga sa mga nakalanghap nito.

Ayon kay PO2 Ricky Tan ng Makati City Police na ang insidente ay naganap dakong alas-5:30 ng hapon noong nakalipas na Biyernes sa may A.P. Reyes St. Barangay Olympia, Makati City.

Ayon sa witness na si Ferdie Villa del Galdo, na isang lalaking may taas na 5’9’’ at nakasuot ng dilaw na polo shirt at itim na pantalon ang naghagis ng isang plastic bag malapit sa may Chow Delight Restaurant.

Pagkatapos nito, ilang mga kostumer at empleyado sa restaurant maging ang ilang mga bystander ang nakaramdam nang paghihirap sa paghinga at pagkahilo nang malanghap ang malakas na amoy buhat sa hinagis na plastic bag. Dalawang babae ang naospital makaraang mawalan ng malay matapos malanghap ang naturang substance.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang naturang substance na inilagay sa inihagis na plastic bag ng tumakas na suspect at kung ano ang posibleng motibo nito. (Ulat ni Marvin Sy)

vuukle comment

AYON

BIYERNES

CHOW DELIGHT RESTAURANT

DALAWANG

FERDIE VILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MARVIN SY

REYES ST. BARANGAY OLYMPIA

RICKY TAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with