Ayon kay Labor Acting Sec. Manuel Imson, pinayagan na ng kanilang pamunuan na makaalis ang mga manggagawang mayroong balidong overseas employment clearance (OEC) at may kumpirmasyon sa flight bookings sa kanilang destinasyon.
Sinabi ni Imson na nagdesisyon ang departamento na i-relax ang suspensiyon makaraang masusing pinag-aralan ang pagbabago sa rehiyon at ang pagsiguro sa sitwasyon ng tatlong bansang nabanggit ay ligtas naman, partikular na ang air travel.
Sinabi rin ni Imson na napagdesisyunan na amyendahan ang naunng kautusan na payagan ang mga OFWs na mayroong balidong OEC at kumpirmadong flight bookings na naproseso bago ang Marso 20 na bumalik sa kanilang pinagtatrabahuhan. (Ulat ni Jhay Mejias)