^

Metro

Suspensiyon sa deployment ng OFWs, iniurong

-
Iniurong ng Dept. of Labor and Employment (DOLE) ang suspensiyon para sa deployment ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na ipinatupad kamakalawa para sa mga papuntang Saudi Arabia, Kuwait at Israel.

Ayon kay Labor Acting Sec. Manuel Imson, pinayagan na ng kanilang pamunuan na makaalis ang mga manggagawang mayroong balidong overseas employment clearance (OEC) at may kumpirmasyon sa flight bookings sa kanilang destinasyon.

Sinabi ni Imson na nagdesisyon ang departamento na i-relax ang suspensiyon makaraang masusing pinag-aralan ang pagbabago sa rehiyon at ang pagsiguro sa sitwasyon ng tatlong bansang nabanggit ay ligtas naman, partikular na ang air travel.

Sinabi rin ni Imson na napagdesisyunan na amyendahan ang naunng kautusan na payagan ang mga OFWs na mayroong balidong OEC at kumpirmadong flight bookings na naproseso bago ang Marso 20 na bumalik sa kanilang pinagtatrabahuhan. (Ulat ni Jhay Mejias)

AYON

IMSON

INIURONG

JHAY MEJIAS

LABOR ACTING SEC

LABOR AND EMPLOYMENT

MANUEL IMSON

MARSO

SAUDI ARABIA

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with