2 miyembro ng 'Harurot gang' patay sa WPD cops
March 21, 2003 | 12:00am
Dalawang miyembro ng kilabot na "Harurot gang" ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng pulisya sa loob mismo ng Western Police District (WPD) headquarters matapos na mang-agaw ng baril at magtangkang tumakas kahapon ng umaga sa UN Ave., Manila.
Nagawa pang isugod sa Manila Medical Center sina Roel dela Rosa, 31, alyas Popo na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa mukha at kaliwang tagiliran at Rafael Cordero, 28, na tinamaan sa gitna ng sentido, kapwa residente ng Kahilum II, Pandacan, Manila subalit namatay din ang dalawa habang ginagamot.
Kusang-loob namang sumuko ang mga pulis na sina PO1 Florante Racuino, PO1 Jefferson Britahico at PO2 Michael John Panilos, pawang mga nakatalaga sa Theft and Robbery Section ng WPD.
Base sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-7:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob mismo ng WPD Headquarters na matatagpuan sa UN Avenue Manila.
Ang mga suspect ay nadakip noong Pebrero 26 sa San Pedro, Laguna dahil sa patung-patong na kasong kinasasangkutan ng mga ito tulad ng serye ng robbery sa Kamaynilaan.
Nabatid na nakatakdang dalhin ng mga escort nito sa Manila City Jail ang mga akusado nang bigla na lamang magpaalam ang dalawa na magtutungo sa comfort room upang umihi.
Dahil dito kung kayat tinanggalan ng posas ni PO1 Racuino sina Cordero at dela Rosa subalit laking gulat na lamang umano ng una nang biglang agawin ng mga ito ang baril ng una at magtatakbo ang mga ito sa loob ng headquarters dahilan upang magkaroon ng ilang minutong habulan sa pagitan ng mga pulis at mga suspect.
Umabot naman hanggang sa rooftop ng headquarters ang habulan sa pagitan ng pulis at ni dela Rosa hanggang sa pagbabarilin ito ng mga awtoridad samantalang bumulagta naman sa lobby si Cordero matapos na dito abutan ng mga awtoridad. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended