3 death convict pinawalang-sala ng SC
March 20, 2003 | 12:00am
Pinalaya kahapon sa New Bilibid Prison (NBP) Muntinlupa ang tatlong death convict matapos silang ipawalang sala ng Korte Suprema sa kasong kidnapping.
Sa kautusang tinanggap ni Bureau of Corrections director Ricardo Macala mula sa Mataas na Hukom, ang mga pinalalaya ay sina James Patano, Ramil Madriaga at Rosendo Madriaga.
Base sa rekord ng korte, ang tatlong convict ay hinatulan na ma-lethal injection noong nakalipas na Abril 30, 1997 ng Pasig City Regional Trial Court, Branch 262 sa kasong pagkidnap sa isang Fil-Chinese na si Vicente Uy noong Marso 25, 1996 sa Wilson St., San Juan, Metro Manila.
Nabatid na binaligtad ng Korte Suprema ang hatol sa tatlong nabanggit dahil sa kakulangan ng ebidensiya. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended