Buong puwersa ng CPD-DEU sinibak dahil sa katiwalian
March 20, 2003 | 12:00am
Sinibak kahapon ni Central Police District (CPD) Director Senior Supt. Napoleon Castro ang buong puwersa ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng lungsod dahil sa umanoy nagaganap na katiwalian sa nasabing departamento.
Ayon kay Castro, napakarami na umano siyang natatanggap na reklamo hinggil sa umanoy extortion activities ng mga tauhan ng DEU sa kanilang mga nahuhuling suspect.
Sa kasalukuyan ay ililipat muna sa Taguig, Bicutan upang mahanay sa utility squad sina Supt. Allan Pareno, hepe ng DEU, kasama ang 24 niyang mga tauhan habang inihahanda ang kasong administratibo laban sa mga ito.
Kamakalawa ng hapon ay dinis-armahan ni Castro ang mga tauhan ng DEU makaraang mabisto nito ang kanilang mga masasamang gawain.
Ayon kay Castro, isang notoryosong drug pusher sa Proj. 8, Quezon City ang nadakip ng DEU at agad niya umanong ipinaalam sa kanyang mga tauhan na alam na niya ang nasabing operasyon.
Subalit nakarating umano sa kanya ang ulat na hinihingan umano ng mga pulis-DEU ng salapi ang suspect kapalit ng kalayaan ng mga ito at iatras ang kaso laban sa kanila.
Sinabi pa ni Castro na ang pagpapalit ng pamunuan ng DEU ay dahilan na rin sa hindi na makontrol ni Pareno ang mga tauhan nito sa talamak na ayusan o lagayan sa mga nahuling drug user at pusher sa nasabing departamento. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended