Dakong alas-7 ng gabi nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang nagngangalang Nelda Galapin sa Manggahan St., Brgy. San Dionisio, Parañaque City.
Naging mabilis naman ang pagkalat ng apoy na tumupok sa mahigit 200 kabahayan bago ito tuluyang naapula ng mga rumespondeng kagawad ng Bureau of Fire Protection.
Wala namang napaulat na nasawi o nasugatan sa nasabing sunog na tumagal ng mahigit dalawang oras at umabot ng general alarm. (Ulat ni Lordeth Bonilla)