1 pang biktima ng salvage natagpuan
March 18, 2003 | 12:00am
Isa na namang hindi pa nakikilalang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuang nakasilid sa isang sako, kahapon ng umaga sa Valenzuela City.
Ang biktima ay tinatayang nasa gulang 25-35 , may taas na 56 talampakan, malaki ang pangangatawan, nakasuot ng itim na t-shirt at maong pants at naka-tsinelas na kulay asul.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-7 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa isang bakanteng lote na matatagpuan sa Hulo St., Barangay Bignay ng nasabing lungsod.
Hinihinala ng pulisya na ang di-nakikilalang biktima ay sa ibang lugar pinaslang at itinapon na lamang sa pinagkakitaang lugar para iligaw ang mga awtoridad sa isasagawang imbestigasyon. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest