Dala ng karamdaman, lola nag-suicide
March 17, 2003 | 12:00am
Dahil sa hindi makayanang sakit , nagpakamatay ang isang 60 anyos na lola sa pamamagitan ng pagbigti kahapon ng umaga sa Muntinlupa City.
Halos matigas na ang katawan ng biktima na nakilalang si Edna Lodip, biyuda, tubong Calumpit, Bulacan at stay-in na katulong sa 26 Trece Martirez St. Alabang Hills, Brgy. Alabang ng nasabi ding lungsod nang natagpuan ng kanyang amo na si Alejandro Babia.
Batay sa imbestigasyon ni SPO4 Armado Alambro, ng Criminal Investigation Division ng Muntinlupa City Police, isinagawa ng biktima ang pagpapakamatay mula alas 8 kamakalawa ng gabi hanggang alas 6 ng umaga kahapon sa loob mismo ng kanyang kuwarto sa bahay ng among si Babia.
Itinali ng biktima ang nylon cord sa kanyang leeg na itinali naman sa pintuan bago winakasan ang buhay.
Ayon sa amo ng biktima, madalas umanong iniinda ng biktima ang kanyang sakit subalit hindi naman nito binanggit kung anong uri ng sakit.
Gayunman, nagsasagawa pa rin ng follow up investigation ang pulisya upang malaman kung walang foul play sa pagkamatay ng biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended