Welder napatripan sa rambol, tinodas
March 17, 2003 | 12:00am
Sa pag-aakalang kasama sa rambol, isang welder ang tinadtad ng saksak ng grupong sangkot sa gulo kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Dead-on-arrival sa Quirino Labor Hospital ang biktima na nakilalang si Mar de Luna, 32, may asawa at residente ng Josephine Subdivision, Antipolo, Rizal.
Ayon sa pagsisiyasat ni SPO4 Dominador Espiritu ng Central Police District-Criminal Investigation Unit, naglalakad si de Luna dakong alas-12:10 ng madaling-araw sa Arayat St. sa Cubao, Q.C.
Hindi inakala ni de Luna na pagsapit niya sa tapat ng Partas Bus Terminal sa Aurora Blvd. ay may nagaganap na rambulan ng mga kalalakihan.
Inakala ng mga nagrarambulan na kasama si de Luna kung kayat agad itong inundayan ng saksak ng 2 hanggang 3 kalalakihan sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Sa kabila ng pagmamaka-awa ng biktima, hindi pa rin ito tinantanan ng mga suspect na ngayoy pinaghahanap ng pulisya. (ULat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am