Nabatid na una nang pinigilan ang operasyon ng naturang barko na tinaguriang "floating bomb" noong Pebrero 22, 2002 dahil na rin sa kawalan ng kakayahan nito na magdeliver ng maramihang kemikal.
Ayon sa rekord, noong nakalipas na Disyembre 20, 2002 matapos ang ilang pagdinig sa kaso ng MV Golden Swan, pinayagan ni Transportation and Communication Secretary Leandro Mendoza ang pamunuan ng barko na mag-operate o magdala ng kemikal subalit sa "package form" lamang at hindi "bulk" dahil kailangan pa ring matiyak ang kaligtasan ng nasabing barko sa pamamagitan isang technical team.
Subalit sa resulta ng pagsisiyasat, inirekomenda ng technical team na kailangan na munang pumasa sa standards ng International Gas Carrier Code ang barko bago tuluyang magkapag-operate. (Ulat ni Danilo Garcia)