Utak sa isa pang pyramid scheme nasakote
March 17, 2003 | 12:00am
Nadakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang sinasabing utak ng MMG pyramiding scam na si Eng. Ervin Mateo habang papalabas ng bahay kahapon ng umaga sa Blumentritt, Maynila.
Ayon sa report, si Mateo ay naaresto ng mga tauhan ng CIDG dakong alas-9:30 ng umaga sa 2609 P. Guevarra Ext. Maynila matapos ang magdamag na pagbabantay ng mga awtoridad.
Nabatid na may pending warrant of arrest si Mateo at ang asawa nito na si Evelyn Mateo sa ibat ibang korte sa kasong estafa bukod pa sa ipinalabas na warrant ng Senate Committee on Trade and Commerce na pinamumunuan ni Senator Robert Jaworski matapos na mabigong dumalo sa pagdinig.
Inaasahan naman ni Jaworski na dadalhin ng CIDG si Mateo sa senado upang iharap sa kanyang komite kaugnay ng pyramid scam.
Posibleng magkasama sa holding room ng Office of the Senate Sergeant at Arms sina Mateo at Rosario Baladjay ng Multitel habang hinihintay ang susunod na pagdinig sa Miyerkules.
Naunang ng naaresto si Baladjay sa Pangasinan noong Martes ng gabi dahil sa warrrant na ipinalabas ng senado kaugnay ng hindi nito pagdalo sa pagdinig ng komite tungkol sa pyramid scam. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended