Holdaper patay sa shootout
March 17, 2003 | 12:00am
Isang holdaper ang napatay samantalang isa pa ang pinaniniwalaang malubhang nasugatan at nakatakas matapos na makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng Mobil Patrol ng Central Police District kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Batay sa ulat na tinanggap ni CPD director Sr. Supt. Napoleon Castro, ang napatay na suspect ay may taas na 58, nasa edad na 25-30, nakasuot ng striped T-shirt at jogging pants, kalbo at balingkinitan ang pangangatawan.
Samantalang ang kasamahan nito na sugatan ay mabilis na nakatakas at kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng CPD-Criminal Investigation Unit, alas-7:15 kamakalawa ng gabi nang maganap ang engkuwentro sa tapat ng Nuclear Research Institute sa kahabaan ng Commonwealth Ave. ng nabanggit na lungsod.
Nauna rito, nagsagawa muna ng holdap ang mga suspect sa isang pampasaherong jeep sa Commonwealth Avenue na nakaparada sa talahiban.
Namataan ito ng mga nagpapatrolyang tauhan ng Mobil Patrol kung kayat nilapitan at sinita.
Sa halip na sumuko ay bigla na lamang nagpaputok ang napatay na suspect samantalang tumakas naman ang isa pa.
Dahil dito, agad na gumanti ng putok ang mga tauhan ng Mobil Patrol at napatay ang suspect.
Nakuha sa suspect ang isang cellphone at 38 caliber revolver. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended