Parangal kay PO1 Tacata iniutos ng Pangulo
March 16, 2003 | 12:00am
Iniutos ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pamunuan ng Philippine National Police ang pagkakaloob ng parangal sa libing ni PO1 Aristotle Tacata na sinamang-palad na nasawi sa pakikipagbarilan sa mga holdaper sa isang tindahan sa Makati.
Binisita ng Pangulo ang labi ni Tacata noong Biyernes ng gabi at iniatas ding bigyan ito ng promosyon bilang Police Officer 2.
"This would be the template for those killed in the line of duty," anang Pangulo.
Si Tacata, 26, ay nasa loob ng LPC Minimart sa Kalayaan Ave., Makati City noong Miyerkules nang pumasok ang tatlong holdaper sa tindahan.
Hindi nangiming matakot ang pulis at pinaputukan ang mga suspect.
Dito na nagsimula ang shootout na ikinasawi ng pulis at dalawa pang suspect.
Ikinalugod ng Pangulo ang kabatiran na hindi nagpapabaya sa tungkulin ang mga pulis sa Metro Manila. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am