Jinggoy ipinatawag na ng Sandiganbayan
March 15, 2003 | 12:00am
Nagpalabas na kahapon ng subpoena ang Sandiganbayan Special Division para kay dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada upang utusan itong dumalo sa isasagawang inspeksiyon sa Boracay mansion at sa muling pagdinig ng mga kinakaharap nitong kaso.
Ang subpoena ay dinala ng Sandiganbayan Sheriff kay Jinggoy upang ipaalam na dapat siyang dumalo sa gaganaping inspeksiyon sa Boracay mansion sa Marso 19 ganap na alas- 10 ng umaga.
Ipinag-utos din ng Sandiganbayan Special Division kay Jinggoy ang pagdalo sa hearing para sa kasong pandarambong na kinakaharap nito at ni dating Pangulong Joseph Estrada sa Marso 24, ganap na alas-8:30 ng umaga.
Magugunitang hiniling ng prosekusyon sa korte na bawiin ang piyansang inilagak ni Jinggoy matapos itong mabigong pirmahan ang kanyang waiver of appearance noong ito ay magbayad ng kanyang piyansa.
Kung hindi darating sa gagawing inspeksiyon sa Boracay mansion si Jinggoy at kung hindi ito dadalo sa nakatakdang hearing sa kasong plunder ay muli itong ipaaaresto ng Sandiganbayan. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended