Bitay sa drug queen ipipilit ng NBI
March 13, 2003 | 12:00am
Iginigiit ng pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) na dapat ay bitay ang naging hatol sa drug queen na si Sandra Lim na nasamsaman ng may 247 kilo ng shabu at hindi habambuhay na pagkabilanggo lamang.
Ayon kay NBI director Reynaldo Velasco, maghahain sila ng apela sa korte upang hilingin na mahatulan ng bitay si Lim na pinaniniwalaang miyembro ng international drug ring.
Magugunitang kamakalawa ay hinatulan ng Pasay City Regional Trial Court Judger Cesar Ylagan ng habambuhay na pagkabilanggo si Lim na ikinadismaya naman ng NBI at ng Crusade Against Violence dahil umano sa dami ng shabu na nasamsam dito na dapat ay parusa nang kamatayan.
Una ng sinalakay ng NBI ang bahay ni Lim sa Somerset Condominium sa Leveriza St., Pasay City noong Disyembre 2000.
Sa ngayon ay patuloy pa ding pinaghahanap ng mga awtoridad ang asawa ni Sandra na si Michael Lim upang papanagutin din sa nasabing kaso.
Ang mag-asawang Lim ay iniuugnay sa sindikato ng droga sa Hong Kong triad na ngayon ay nagsasagawa ng operasyon sa bansa. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended