^

Metro

Babaeng drug pusher hinatulan ng habambuhay

-
Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol kahapon ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) sa isang Fil-Chinese national na umano’y miyembro ng international drug ring matapos itong masamsaman ng may 247 kilos ng shabu noong nakalipas na Disyembre 26, 2000 sa nabanggit na lungsod.

Bukod sa habambuhay na pagkabilanggo, iniutos din ni Pasay City RTC Judge Cesar Ylagan ng Branch 231 sa akusadong si Sandra Lim, 31, ng Somerset Condominium Unit Room 706 ang pagbabayad ng isang milyong pisong penalty.

Base sa rekord ng korte, ni-raid ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang unit ni Lim na doon natagpuan ang 247 kilo ng shabu.

Hindi inabutan ng operatiba si Lim sa isinagawang raid. Abril 7, 2001 ng masakote si Lim sa Pasay City din. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ABRIL

BUKOD

DISYEMBRE

FIL-CHINESE

JUDGE CESAR YLAGAN

LORDETH BONILLA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PASAY CITY

PASAY CITY REGIONAL TRIAL COURT

SANDRA LIM

SOMERSET CONDOMINIUM UNIT ROOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with