Isinugod pa sa Martinez Memorial Hospital ng kanyang mga kapitbahay si Henio Santos, ng Dagat-dagatan ng nabanggit na lungsod, subalit idineklara na itong dead on arrival.
Base sa ulat ni PO2 Joel Montebon, dakong alas-4:30 ng hapon ng madiskubre ang labi ng nasawi na nakabitin sa silong ng kanilang bahay ng isa nilang kapitbahay na si Mario Samonte.
Nabatid na sintas ng sapatos ang ginamit nito sa kanyang pagpapakamatay.
Binanggit pa ng pulisya, ilang oras bago natuklasan ang pagpapakamatay nito, ilang kapitbahay ang nakakita ditong sumisinghot ng rugby.
Malaki ang hinala na masyadong dinamdam ni Santos ang pagkakahinto nito sa pag-aaral dahil na rin sa kahirapan kayat madalas itong makitang malungkot.
Malaki umano ang paghahangad nito na makabalik sa pag-aaral subalit nanatili itong bigo kung kaya nalulong na lamang sa pagsinghot ng rugby.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito para matiyak kung walang naganap na foul play sa insidente. (Ulat ni Gemma Amargo)