^

Metro

Number coding aprubado na sa MM mayors

-
Mahigpit ng ipatutupad simula sa darating na Lunes (Marso 17) sa lahat ng pribado at pampublikong sasakyan sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila ang number coding o ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP).

Ito ang napagkasunduan kahapon ng council na kinabibilangan ng mga Metro mayors at mga opisyal sa ahensiya sa pangunguna ni MMDA Chairman at DPWH Secretary Bayani Fernando.

Gayunman, exempted sa ipapatupad na traffic scheme ang mga provincial buses, motorcycle, school bus at government vehicles.

Ipinaliwanag ni Fernando na sa mga pribadong sasakyan, ang number coding ay ipapatupad simula alas-7 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga at uulit alas- 3:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi. Ibig sabihin sila ay huhulihin kapag lumabas sa lansangan sa mga nabanggit na oras.

Gayunman, sa mga oras naman na hindi binanggit na ito ang tinatawag na ‘window hours’ ay maaari silang lumabas ng lansangan.

Samantala hindi ito angkop sa San Juan at Makati na dito, ma- pribado o pampubliko ay ipapatupad ang number coding at walang exempted sa tinatawag na ‘window hours’.

Sa mga pampublikong sasakyan naman, tulad ng bus, jeepney at taxi ang number coding ay ipapatupad sa loob ng 24 oras sa lahat ng lugar.

Layunin umano nito na maiwasan at mabawasan ang mga bumibiyaheng kolorum na sasakyan na madalas na lumabas kung gabi at madaling-araw. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

FERNANDO

GAYUNMAN

IBIG

IPINALIWANAG

LORDETH BONILLA

METRO MANILA

SAN JUAN

SECRETARY BAYANI FERNANDO

UNIFIED VEHICULAR VOLUME REDUCTION PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with