^

Metro

Jinggoy, JV maglalaban sa 2004

-
Posible umanong maglaban sa mayoralty race sa darating na 2004 elections ang magkapatid na sina dating Mayor Jinggoy Estrada at ang kasalukuyang alkalde na si Joseph Victor "JV" Ejercito.

Ito ang nabuong scenario sa San Juan, na ayon na rin sa kampo ng dating Pangulong Joseph Estrada ito ay makaraang atasan nito ang pansamantalang nakalayang si Jinggoy na tulungan at huwag pabayaan ang mga mamamayan sa kanilang lugar.

Ayon sa mga insiders sa munisipyo ng San Juan malaki pa rin umano ang tsansa ni Jinggoy na magwagi sa halalan.

Hindi raw maitatago na sa naganap na welcome party kay Jinggoy marami ang dumating at nagpahayag ng suporta dito.

Kapansin-pansin rin umano ang hindi pagpapansinan ng magkapatid.

Binanggit pa ng ilang insiders sa munisipyo na hindi umano gaanong magka-vibes sina Jinggoy at JV kung saan kaya lamang nakikisama ang mga ito sa isat-isa ay dahil sa sobrang pagmamahal sa kanilang ama.

Ayon naman kay Ms. Noribel Taguiba, chief ng Media Relations sa San Juan na kung magpahayag umano ng intensyon si Jinggoy na muling tumakbo ay maaaring umatras na lamang si JV pero ito ay wala pa ring katiyakan.

Magugunitang hindi na natapos ni Jinggoy ang ikatlong termino na ng kanyang panunungkulan bilang alkalde ng San Juan matapos na isabit sa kasong plunder na iniharap sa kanyang ama. (Ulat ni Joy Cantos)

AYON

BINANGGIT

JINGGOY

JOSEPH VICTOR

JOY CANTOS

MAYOR JINGGOY ESTRADA

MEDIA RELATIONS

MS. NORIBEL TAGUIBA

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with