^

Metro

Misis ginawang punching bag ng hineteng mister

-
Sanhi umano ng kadaldalan, ginawang punching bag ng isang hinete ang mukha ng kanyang misis kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Nahaharap ngayon sa kasong serious physical injury ang suspect na si Miguel Recosana, 25, ng 1837 E. Rodriguez St. Brgy. Carmona , Makati City at hinete ng Philippine Racing Club.

Nagtamo naman ng bukol at pasa sa mukha at maging sa bahagi ng katawan ang biktima na si Rose Recosana, 24, asawa ng suspect.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas 6 ng gabi sa loob ng bahay ng mag-asawa.

Nakulitan umano ang suspect sa kadaldalan ng biktima kung kaya’t hindi na nito napigilan ang kanyang galit at pinagsusuntok ang huli. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

CARMONA

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MIGUEL RECOSANA

NAGTAMO

NAHAHARAP

PHILIPPINE RACING CLUB

RODRIGUEZ ST. BRGY

ROSE RECOSANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with