^

Metro

Jay Manalo nanggulpi sa diskuhan

-
Bugbog sarado ang isang lalaki makaraang pagtulung-tulungang gulpihin ng sexy actor na si Jay Manalo at kaibigan nito na umano’y dinukutan ng wallet ng una habang nagsasayaw sa isang disco bar kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Halos hindi makatayo sa sakit ng katawan ang suspect na nakilalang si Robert Roque ng Washington St. Brgy. Pio del Pilar, Makati City na ngayo’y nakakulong sa Makati City Police Criminal Investigation detention cell.

Batay sa salaysay ni Manalo, ng 1688 J. Antonio Rivera St. Tondo, Maynila, dakong alas-3 ng madaling-araw nang nasa Decades Bar sila ng kanyang kaibigang si John Vincent Alhadad sa panulukan ng Amorsolo St. at Pasay Road sa nabanggit ding lungsod at kasalukuyan silang nagsasayaw nang maramdaman niya na gumaan ang kanyang pantalon.

Agad na kinapa ni Manalo ang kanyang bulsa sa likuran at laking gulat na lamang nito nang mapansin ang kahina-hinalang kilos ng suspect.

Nabatid na maging ang pitaka ni Alhadad ay nawawala din kung kaya’t pinagtulung-tulungang bugbugin ng mga ito ang suspect.

Ayon sa aktor, posibleng naipasa na ng suspect sa mga kasamahan nito ang pitaka ni Alhadad at kanyang wallet na naglalaman naman ng $200, P5,000 cash at iba’t ibang ATM cards.

Subalit ayon sa suspect, wala siyang kinukuhang wallet sa aktor at napagkamalan lamang siya nito.

Si Roque ay sasampahan ng kasong theft sa MC Prosecutor’s Office. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALHADAD

AMORSOLO ST.

ANTONIO RIVERA ST. TONDO

DECADES BAR

JAY MANALO

JOHN VINCENT ALHADAD

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE CRIMINAL INVESTIGATION

MANALO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with