^

Metro

Jinggoy tuluyan nang nakalaya

-
Tuluyan nang nakalaya kahapon si dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada mula sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) matapos siyang piyansahan ng kanyang dalawang matalik na kaibigan na sina Rudy Fernandez at Philip Salvador.

Ganap na alas-11 ng umaga nang dumating sa Sandiganbayan Special Division, sina Fernandez at Salvador kasama ang abogado ni Jinggoy na si Noel Malaya upang maglagak ng piyansang P500,000.

Matapos maglagak ng piyansa ng dalawang kaibigan personal ding sinundo ng dalawang aktor si Jinggoy sa VMMC.

Dakong ala-1:30 ng hapon ng dumating sa Sandiganbayan si Jinggoy na iniskortan ng mga miyembro ng PNP kung saan nilagdaan nito ang ilang clearance at release order at mula dito ay muling ibinalik ang batang Estrada sa VMMC upang sumailalim sa medical examination bago siya tuluyang pinakawalan.

Sa 31-pahinang resolusyon, sinabi nina Justice Minita Nazario, Edilberto Sandoval at Teresita de Castro na base sa mga ebidensiya, testimonya at dokumentong isinumite sa korte, walang direktang nagtuturo kay Jinggoy na nakipagsabwatan ito sa kanyang amang si dating Pangulong Joseph Estrada.

Subalit nilinaw ng korte na wala pang pinal na desisyon sa kasong kinakaharap ni Jinggoy at ng kanyang ama kahit na pinayagang magpiyansa ang dating alkalde.

Halos dalawang taon ding nabilanggo si Jinggoy na kasama sa mga kinasuhan ng plunder.

Naghain din si Jinggoy ng waiver of appearance upang hindi na siya dumalo sa mga susunod na pagdinig ng plunder trial.

Napag-alamang naghati sina Ipe at Daboy sa P500,000 piyansa ni Jinggoy. Sinasabing pinautang ng dalawang aktor ang kanilang kaibigan makalaya lamang. (Ulat ni Malou R. Escudero)

EDILBERTO SANDOVAL

JINGGOY

JUSTICE MINITA NAZARIO

MALOU R

NOEL MALAYA

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PHILIP SALVADOR

RUDY FERNANDEZ

SAN JUAN MAYOR JINGGOY ESTRADA

SANDIGANBAYAN SPECIAL DIVISION

VETERANS MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with