^

Metro

4 na pusher arestado sa P1.2-M shabu

-
Apat na kilabot na drug pusher, kabilang na ang isang babaeng vendor ang nalambat ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung saan may P1.2 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa mga ito sa magkahiwalay na buy-bust, kamakalawa sa Parañaque City at Quiapo, Manila.

Nakilala ang mga nadakip na sina Saidali Radiab, 25, ng Quirino Avenue, Brgy. Tambo, Parañaque; Abdulsatah Abubakar, 22, ng Area 1, Sultan Ismael Village, Cavite City; Talib Ampuan, 34, ng Baluyot St., Baclaran, Parañaque City at Norie Ampuan, 36, ng Brgy. Sultan Ismael Area H., Dasmariñas, Cavite.

Sa ulat ng PDEA, unang naaresto si Norie Ampuan dakong alas-3:30 kamakalawa ng hapon sa harap ng Coastal Mall sa Parañaque City.

Isang kagawad ng PDEA ang nagpanggap na buyer ng may 300 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P600,000. Dinakma ito ng mga awtoridad matapos na iabot ang naturang droga at matanggap ang kabayaran na boodle marked money.

Dakong alas-4 naman ng hapon nang maaresto ang tatlong suspect na lalaki sa loob ng isang fastfood, Isetann Mall, Plaza Miranda, Quiapo, Manila.

Isinagawa ang bentahan ng naturang shabu sa loob ng naturang fastfood restaurant kung saan nagpanggap na buyer si PO1 Rey Memoracion.

Dinakip ang mga suspect ng mga back-up na pulis na nagpanggap ding mga kostumer matapos na maiabot ang apat na pakete ng shabu na nakalagay sa loob ng isang plastic bag. (Ulat ni Danilo Garcia)

ABDULSATAH ABUBAKAR

BALUYOT ST.

BRGY

CAVITE CITY

COASTAL MALL

DANILO GARCIA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ISETANN MALL

NORIE AMPUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with