Lolo binaril sa ari, kritikal
March 6, 2003 | 12:00am
Isang lolo ang nasa kritikal na kondisyon makaraang mabaril sa ari ng hindi pa nakikilalang suspect, kahapon ng umaga sa Makati City.
Kasalukuyang ginagamot sa Ospital ng Makati ang biktima na nakilalang si Tiburcio Pereda, 51, ng Ivory St., Palar Village, Barangay Rizal ng nabanggit na lungsod.
Kaagad namang tumakas ang hindi nakilalang suspect matapos ang isinagawang pamamaril.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga habang ang biktimang lolo ay nakatayo malapit sa kanilang bahay ng paputukan ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril ng suspect.
Tinamaan sa ari ang biktima na agad namang isinugod ng kanyang mga kapitbahay sa pagamutan.
Hindi pa mabatid kung ano ang maaaring motibo sa isinagawang pamamaril, gayunman ito umano ay dahil awayan sa lupa. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended