^

Metro

3 miyembro ng 'Estribo gang' timbog

-
Tatlong miyembro ng ‘Estribo gang’ ang nadakip ng mga tauhan ng Northern Police District Intelligence Unit sa isang checkpoint kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Charito Colocado, alyas Watari, 29; Raymundo Ejosa, alyas Jun-jun, 23 at Ricky Esagre, 23, pawang miyembro ng ‘Sputnik Gang’.

Ayon sa pulisya, nasabat ang mga suspect dakong alas-11 ng umaga sa panulukan ng Avocado at Santolan St. sa Barangay 178 Camarin habang nakasakay ang mga ito sa isang tricycle habang nagsasagawa ng checkpoint ang pulisya.

Positibong kinilala ng mga biktimang sina Nilo Mercado, 22 at Ronnie Meole ang mga suspect na siyang nangholdap sa kanila noong nakalipas na Pebrero 26 sa kahabaan ng Maligaya St. sa nabanggit na lugar.

Ang tatlo din umano ang siyang responsable sa sunod-sunod na holdapan sa mga pampasaherong jeep at FX sa mga lugar ng Camarin at Bagong Silang.

Narekober sa tatlong dinakip ang isang sumpak at mga bala, ibat-ibang drivers license at ATM cards ng kanilang mga naging biktima. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

CHARITO COLOCADO

GEMMA AMARGO

MALIGAYA ST.

NILO MERCADO

NORTHERN POLICE DISTRICT INTELLIGENCE UNIT

RAYMUNDO EJOSA

RICKY ESAGRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with