^

Metro

Ret. colonel nasamsaman ng matataas na kalibre ng baril

-
Isang retiradong colonel ng AFP ang naaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pag-iingat ng matataas na kalibre ng baril at mga bala.

Nakilala ang dinakip na suspect na si Cenon Pascual, 60, ng 780 Sta. Catalina St., San Antonio, Biñan, Laguna, samantalang pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang kasamahan nitong si Jose Gary Almendrala.

Si Pascual ay inaresto matapos magbigay impormasyon sa pulisya ang dalawang dating houseboy ng suspect tungkol sa pag-iingat nito ng matataas na kalibre ng mga baril at bala.

Kaagad na bineripika ng NBI sa Firearms and Explosives Division sa Camp Crame at nadiskubre na hindi lisensiyado at awtorisado na magdala at mag-ingat ng baril si Cenon.

Nadiskubre pa ng NBI na maimpluwensiya sa kanilang lugar ang suspect kung kaya’t nakapag-iingat ito ng malalakas na kalibre ng armas at mga bala.

Napasok ang imbakan ng baril ni Cenon sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Executive Judge Dolores Espanol ng Dasmariñas,Cavite RTC.

Nasamsam mula rito ang isang M16 rifle, isang kalibre . 45 baril at mga bala.

Nabigo si Pascual na maipakita ang kaukulang dokumento sa mga nasamsam na baril. (Ulat ni Gemma Amargo)

CAMP CRAME

CATALINA ST.

CENON

CENON PASCUAL

EXECUTIVE JUDGE DOLORES ESPANOL

FIREARMS AND EXPLOSIVES DIVISION

GEMMA AMARGO

JOSE GARY ALMENDRALA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with