Nakabitin pa ng electric cord sa loob ng kuwarto nang matagpuan dakong alas-4 ng madaling-araw ang bangkay ng biktimang si Ferdinand Buleta, ng #205 Domus Marie Building, Chronium St., ng naturang lungsod.
Base sa salaysay ng ina ng nasawi, ilang araw na umanong walang kibo si Ferdinand at laging nagkukulong sa kuwarto simula nang mamatay ang ama nito noong nakaraang linggo.
May hinala ang mga awtoridad na maaaring labis na dinamdam ng binata ang pagkawala ng ama kaya minarapat nitong wakasan na rin ang kanyang buhay. (Ulat ni Gemma Amargo)