^

Metro

Sugapa sa 'tong-it' na mister, inireklamo ni misis

-
Makaraang pagsabihang tumigil na sa ‘pagto-tong-it’, isang mister ang nagwala at ginulpi ang kanyang misis at ang limang-taong gulang na anak na lalaki sa Makati City.

Nakilala ang inireklamong mister na si Rolly Rosal, 37, nakatira sa #355 Homonhon St., Brgy. Pitogo, ng lungsod na ito.

Ang mga biktima ay nakilala namang sina Lydia Egot Rosal, 37, empleyada, at Miguelito Rosal, kapwa residente ng nabanggit na lugar, ang mga ito ay nagtamo ng pasa at bukol sa kanilang katawan.

Sa naging reklamo kahapon ng ginang kay SPO4 Rellie Go, hepe ng Women’s, Children Protection Desk Unit, Makati City Police, madalas umano silang gulpihing mag-ina ng suspect kung saan ang kanilang anak ay hinataw ng matigas na bagay.

Nabatid sa ginang na nagalit ang suspect dahil madalas niya itong pinagsasabihan na tumigil na sa pagto-tong-it.

Dahil kapos na aniya sila sa budget, pinangsusugal pa nito ang perang kanyang binibigay na dapat sana ay mapunta sa kanilang pagkain.

Ito ang naging dahilan upang magtungo ang ginang sa nabanggit na himpilan ng pulisya upang ipagharap ng reklamo ang sariling asawa. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BRGY

CHILDREN PROTECTION DESK UNIT

HOMONHON ST.

LORDETH BONILLA

LYDIA EGOT ROSAL

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MIGUELITO ROSAL

RELLIE GO

ROLLY ROSAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with