Ginang, 3 anak sugatan sa sunog
March 5, 2003 | 12:00am
Sugatan ang isang ginang at tatlo nitong anak sa naganap na sunog kahapon ng madaling-araw sa Sta. Cruz, Manila.
Nakilala ang mga sugatang biktima na sina Anna Marie Español, 37, at mga anak na sina Mary Ann, 17, Melody, 13 at Mary Joy 1.
Ayon sa ulat, dakong alas-3 ng madaling-araw ng magsimula ang sunog sa silid ng mag-asawang Rosendo Haban sa ground floor ng 3-door apartment sa 1512 Oroquieta St. ng nasabing lugar.
Nabatid na nagmula ang apoy sa napabayaang kandila na tumumba sa bunton ng damit kung saan mabilis na kumalat sa mga katabing kabahayan.
Dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy agad na nadamay ang bahay ng mag-iinang biktima na naging dahilan upang magtamo ang mga ito ng lst degree burn.
Agad na isinugod sa Jose Reyes Medical Center ang mga biktima habang naapula naman ang apoy dakong alas-4 ng madaling-araw.
Tinatayang aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang naabo at may 20 pamilya ang nawalan ng tahanan. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended