Pinay na hininalang terorista sa Canada sumasailalim sa interogasyon
March 4, 2003 | 12:00am
Masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng mga awtoridad patungkol sa kaso ng isang Pinay na idineport buhat sa Canada sa suspetsang kaalyado ito ng terrorist group para tiyakin ang tunay na kaugnayan nito sa Indonesian terrorist na si Agus Dwikarna.
Si Katrina Sanchez, 21, na idineport buhat sa Vancouver, Canada dahil sa kuwestiyonableng mga dokumento ay dumating sa bansa nitong nakalipas na Pebrero 27.
Inaalam ng mga awtoridad ang tunay na identity ng nabanggit na Pinay at ang koneksyon nito kay Dwikarna na nahatulan ng 17 taong pagkabilanggo makaraang mahulihan ng C-5 explosives sa NAIA habang ito ay patungo sa Bangkok.
Ayon sa source ng PNP intelligence na kinumpirma ni Sanchez na kilala niya si Dwikarna. Inupahan umano ito ni Dwikarna para maging English tutor ng nadakip na terorista.
Nasamsam kay Sanchez sa Canada ang ilang top-secret reports, arrest report at text-message conversations sa pagitan niya at ni Dwikarna na naka-translate na sa English. Buhat sa NBI si Sanchez ay itinurn-over na sa PNP intelligence group at sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA) para sa de-briefing. (Ulat ni Cecile Suerte Felipe)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended