Kilabot na holdaper patay sa pulis
March 4, 2003 | 12:00am
Napatay ang isang kilabot na holdaper makaraang manlaban sa mga awtoridad matapos na mahuli sa aktong nambibiktima ng isang lady guard, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Kinilala ni Senior Supt. Cecilio Aguilar, ang napatay na suspect na si Alfredo Bravos, 35, ng San Roque 2, Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City.
Nagtamo ito ng maraming tama ng bala ng baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Mabilis namang nakatakas ang kasamahan nito habang tangay ang nakuha sa biktimang si Amelia Jurada, 32, ng Aurora Boulevard sa Cubao, Quezon City.
Nabatid na dakong alas-2:10 ng madaling- araw nang maispatan ng mga nagpapatrulyang pulis ang biktima na nakalupasay sa panulukan ng Quezon Avenue at EDSA habang binubugbog ng mga suspect.
Nang makita ng mga holdaper ang paparating na pulis, mabilis na nagtakbuhan ang mga ito hanggang sa makorner ng mga pulis sa may Manila Seeding Compound sa Quezon Boulevard.
Sa halip na sumuko agad na pinaputukan ni Bravos ang mga pulis habang tumakas naman ang kasamahan nito.
Napilitan namang gumanti ng pagpapaputok ang mga awtoridad na naging dahilan ng kamatayan ni Bravos. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest