Anak ni Jun Aristorenas timbog sa pagnanakaw
March 2, 2003 | 12:00am
Nadakip ng pulisya ang anak na lalaki ng action star na si Jun Aristorenas makaraang nakawin umano nito ang bag at cellphone ng isang dentista, kamakalawa ng hapon sa Parañaque City.
Nakilala ang suspect na si Jonar Aristorenas, 34, ng Doña Soledad Avenue, Barangay Don Bosco ng lungsod na ito. Ito ay kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya ng Parañaque.
Ang biktima naman ay nakilalang si Dra. Josephine Campos, 38.
Ayon kay PO1 Josel Montero, ng Parañaque City Police naganap ang insidente dakong alas-3:30 kamakalawa ng hapon sa isang dental clinic na pag-aari ng biktima na matatagpuan sa Doña Soledad Avenue, Barangay Don Bosco ng lungsod na ito.
Nabatid na naka-droga umano ang suspect at pumasok sa naturang klinika at nagpanggap na kostumer.
Pagkaraan ng ilang minuto nakalingat lamang si Campos, kaagad na kinuha ng naturang suspect ang bag ng doktora na naglalaman ng cash at cellphone at saka mabilis na lumabas ng klinika.
Nagkataon naman na dumaraan si PO2 Allan Abara na hiningian ng tulong ng biktima at hinabol ang papatakas na si Aristorenas.
Hindi na ito nakapalag pa ng maabutan ng humabol na tauhan ng pulisya.
Malaki ang paniwala ng pulisya na matindi ang pangangailangan ni Aristorenas dahil sa bisyo nito kung kaya biniktima niya ang nabanggit na dentista. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest