^

Metro

Bar topnotcher handang idepensa si Strunk

-
Nakahandang ipagtanggol ni Arlene Maneja, bar topnotcher ang pangunahing akusado sa kontrobersiyal na kasong pagpaslang sa aktres na si Nida Blanca na si Rod Lauren Strunk.

Sinabi ni Maneja, 25, produkto ng UST na nagtamo ng gradong 92.9 percent sa nagdaang bar exam na handa nitong ibigay ang kanyang serbisyo kay Strunk sa sandaling italaga siya ng Siguion-Reyna Law office dito, bukod pa sa ibang nangangailangan ng kanyang tulong ay hindi niya ito tatanggihan.

Nabatid na si Maneja ay kasalukuyang legal researcher ng nabanggit na law office. Ang Siguion-Reyna Law office ay siyang humahawak sa kaso ni Strunk sa murder case nito kasama ang mga pangunahing abugado na sina Atty. Alma Malongga at Atty. Dennis Lazaro.

Mananatili umano si Maneja sa nasabing law firm hanggang gusto ng mga ito ang kanyang serbisyo.

Sinabi pa ni Maneja na nakasaad sa batas na dapat ipagtanggol ang sinumang nangangailangan ng tulong at itinuturing na inosente ang isang akusado hanggang hindi pa napapatunayan sa hukuman na nagkasala ito.

"Si Strunk, oo idedepensa ko siya sakaling ibigay sa akin ang kaso, tatanggapin ko iyon", ayon pa kay Maneja.

Si Maneja ay anak ng negosyanteng si Alfonso Maneja na ngayon ay nakaratay sa banig ng karamdaman matapos ma-stroke, habang ang ina nitong si Josefina ay namatay tatlong taon na ang nakakalipas.

Si Maneja ay isang debater na nagtapos sa UST ng kursong legal management na naging cum laude at sa school of law na naging magna cum laude.

Inamin nito na noon pa man ay gusto na nitong maging isang abogado kahit gusto ng kanyang ina na siya ay maging doktor.

Kabilang sa pinagwagian niya ay ang Metro Pacific Challenge Inter-Collegiate Championship noong 1995 at nagtapos ito ng elementarya sa Nazareth School sa Sampaloc, Manila at tuluy-tuloy siya sa high school sa UST hanggang sa Faculty of Law. (Ulat ni Gemma Amargo)

ALFONSO MANEJA

ALMA MALONGGA

ANG SIGUION-REYNA LAW

ARLENE MANEJA

DENNIS LAZARO

FACULTY OF LAW

GEMMA AMARGO

MANEJA

METRO PACIFIC CHALLENGE INTER-COLLEGIATE CHAMPIONSHIP

SI MANEJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with