Ayon kay Senior State Prosecutor Archimedes Manabat, chairman ng Nida Blanca panel, hiniling na niya sa tanggapan ng NBI-National Capital Region Director Edmund Arugay ang larawan ni Strunk.
Ang pahayag ay ginawa ni Manabat matapos aminin ni Justice Undersecretary for International Relations Merceditas Gutierrez na posibleng isulong nila ang agarang pag-aresto kay Strunk sa pamamagitan ng provisional arrest.
Nangangahulugan lamang na hindi na kailangan pang hintayin ang kumpletong dokumento para sa extradition ni Strunk at maaaring damputin ito kung mayroong pagkakakilanlan laban sa naturang akusadong dayuhan.
Aniya, isa sa mga kinakailangang requirements na kinakailangan ng DOJ Legal Dept. ay ang larawan ni Strunk upang hindi magkaroon ng pagkakamali sa pagkakakilanlan nito sa oras na siya ay arestuhin. (Ulat ni Grace dela Cruz)