^

Metro

Extradition vs Strunk pinamamadali

-
Ipinag-utos kahapon ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) na isumite sa kanilang tanggapan ang larawan ng akusadong si Rod Lauren Strunk para maiproseso na ang extradition request laban dito.

Ayon kay Senior State Prosecutor Archimedes Manabat, chairman ng Nida Blanca panel, hiniling na niya sa tanggapan ng NBI-National Capital Region Director Edmund Arugay ang larawan ni Strunk.

Ang pahayag ay ginawa ni Manabat matapos aminin ni Justice Undersecretary for International Relations Merceditas Gutierrez na posibleng isulong nila ang agarang pag-aresto kay Strunk sa pamamagitan ng provisional arrest.

Nangangahulugan lamang na hindi na kailangan pang hintayin ang kumpletong dokumento para sa extradition ni Strunk at maaaring damputin ito kung mayroong pagkakakilanlan laban sa naturang akusadong dayuhan.

Aniya, isa sa mga kinakailangang requirements na kinakailangan ng DOJ Legal Dept. ay ang larawan ni Strunk upang hindi magkaroon ng pagkakamali sa pagkakakilanlan nito sa oras na siya ay arestuhin. (Ulat ni Grace dela Cruz)

DEPARTMENT OF JUSTICE

INTERNATIONAL RELATIONS MERCEDITAS GUTIERREZ

JUSTICE UNDERSECRETARY

LEGAL DEPT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL CAPITAL REGION DIRECTOR EDMUND ARUGAY

NIDA BLANCA

ROD LAUREN STRUNK

SENIOR STATE PROSECUTOR ARCHIMEDES MANABAT

STRUNK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with