Color coding sa public, private vehicle balik sa Lunes
March 1, 2003 | 12:00am
Sa darating na Lunes (Marso 3) ay balik na sa dating sistema sa pagpapatupad ng number coding o unified vehicular volume reduction program (UVVRP) sa lahat ng pampubliko at pribadong sasakyan. Ito ay matapos ihayag ni MMDA chairman at DPWH Secretary Bayani Fernando na tapos na ang kanilang isinasagawang eksperimento sa naturang traffic scheme.
Ang naturang hakbang ay may kaugnayan naman sa kautusan ni Pangulong Arroyo na tigilan na ang kaka-eksperimento sa sistema ng trapiko sa Metro Manila. Sa darating namang Biyernes ay magpupulong ang lahat ng mga alkalde upang resolbahan kung ano ba ang epektibo at nararapat na ipatupad upang maibsan ang matinding trapik sa Metro Manila. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest