Lider ng pyramid scam hindi ako padrino Sen. De Castro
February 28, 2003 | 12:00am
Iginiit kahapon ni Senator Noli de Castro na hindi siya "padrino" ng sangkot sa pyramid scam na si Ma. Teresa Santos bagkus ay nagpaabot lamang ito ng pananalita na sa kanya ito susuko dahil sa pangamba na "itumba" siya ng mga awtoridad.
Sinabi ni Sen. de Castro na nakatakda sana niyang interbyuhin kamakalawa ng gabi si Santos, ang sinasabing presidente ng Ma. Teresa Santos Trading para sa kanyang programang Magandang Gabi Bayan (MGB) subalit hindi sila natuloy.
Wika pa ni de Castro, pinaluwas niya mula sa Bicol si Santos para kapanayamin at upang pasukuin sa mga awtoridad matapos itong ireklamo ng kanyang mga naging biktima sa pyramid scam.
Aniya, hinihimok niyang sumuko ito upang harapin ang mga reklamo dito subalit hindi para protektahan ang kanyang mga aktibidad.
Natunugan naman ng mga awtoridad na lumuwas si Santos at nasa isang apartelle sa Quezon City para kapanayamin ng staff ng MGB ni de Castro kaya agad na sinundan at inaresto ito. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am