Sinabi ni Sen. Jaworski na hindi sapat na dumalo lamang ang mga abogado ng 28 sinasabing sangkot sa pyramid scam kaya nagpalabas na siya ng warrant of arrest laban sa mga ito upang masiguro ang pagdalo nila sa susunod na pagdinig ng komite.
Ayon pa sa senador, inatasan na niya ang Office of the Senate Sergeant at Arms at NBI upang isilbi ang warrants laban sa mga nabigong dumalo sa pagdinig kahapon sa pyramiding scam.
Kabilang sa mga ito sina Rosario at Saturnino Baladjay ng Multitel; Ervin at Evelyn Mateo; Brenda Baarde at Joselito Zapanta ng MMG; Ireneo Sison, Willian Sison, Memosa Zamudio at Mirasol Aguilar ng ICS exports; Ma. Theresa Santos, Orlando Santos, Vanessa Santos-Manalastas, Troy Manalastas at SPO3 Alex Cacananta ng Ma. Theresa Santos Trading.
Aniya, kung ang tanging dahilan lamang ng mga sinasabing personalidad ay ang kanilang seguridad ay pagkakalooban ng security ng Senado ang mga ito makadalo lamang sa mga pagdinig. (Ulat ni Rudy Andal)