^

Metro

4 na bebot miyembro ng 'Ativan gang', tiklo

-
Apat na kababaihan na pinaniniwalaang miyembro ng ‘Ativan gang’ ang dinakip ng mga tauhan ng Western Police District matapos na tangkaing biktimahin ng mga ito ang isang Czech national, kamakalawa ng gabi sa Malate, Manila.

Personal na nagharap ng reklamo ang biktimang si David Heide, 29, pansamantalang naninirahan sa Juanes Palace, Malate, Manila.

Nakilala naman ang mga nadakip na suspects na sina Agnes Curispe Aguilar, 22; Melanie Aquino, 42; Baby Santis,48 at Aurora Balais Insignim 48.

Nabatid sa ulat ng pulisya na dakong alas-12 ng hatinggabi habang naglalakad ang biktima sa Rizal Park ay nilapitan ito ng suspect na si Aguilar kung saan ay inalok ito ng kendi na nakabalot sa plastic.

Habang inaalok ang biktima ay lumapit pa ang tatlong kasamahang suspects kung saan nilibang ang biktima para kanin ang kendi na pinaniniwalaang may halong droga.

Tiyempo naman na may nakakitang mga pulis sa isinasagawang modus operandi ng mga suspect sa dayuhan kung kaya lumapit ang mga ito.

Hindi na nagawa pang makatakas ng mga suspect habang ipinaliwanag naman ng mga pulis sa biktima na may halong droga ang inaalok na kendi ng mga babae.

Laking pasalamat naman ng biktima dahil napigilang makulimbat ng mga suspect ang kanyang $500 at Nikon camera na nagkakahalaga ng $200. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

AGNES CURISPE AGUILAR

AGUILAR

AURORA BALAIS INSIGNIM

BABY SANTIS

DAVID HEIDE

JUANES PALACE

MELANIE AQUINO

RIZAL PARK

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with